Senado, aalamin kung pwede nilang tanggihan ang suspension order ng Sandiganbayan o Ombudsman sa mga senador

By Jan Escosio November 08, 2016 - 12:48 PM

senate-0812Magsisilbing test case para sa Senate Committee on Rules ang suspension order ng Sandiganbayan kay Senator JV Ejercito.

Napagkasunduan sa senado na aalamin ng naturang komite na pinamumunuan ni Senator Tito Sotto kung ang mga ganitong uri ng suspension order ay maaring tanggihan.

Giit ni Sotto ang mga katulad na kautusan ng Office of the Ombudsman o Sandiganbayan ay hindi tinatanggap sa mababang kapulungan at idinadaan pa sa botohan sa hanay ng mga kongresista.

Isa pang isyu na mismong si Senate President Koko Pimentel III ang nagbanggit ay kung talagang kailangan na 90-araw ang suspensyon.

May binanggit pa si Pimentel na sa ilalim ng Saligang Batas ay hanggang 60-araw lang ang maaring maging suspensyon.

Ilan lang sa mga nagsalita ukol sa sitwasyon ni Ejercito ay sina Senators Ralph Recto, Kiko Pangilinan, Migs Zubiri, Richard Gordon at Ping Lacson.

Ngunit sa dakong huli ay nagkasundo na lang ang mga senador na pag-aralan na lang maigi ng Committee on Rules ang mga suspension orders ng mga korte sa kanilang mga kabaro katuwang ang Senate Legal Office.

Kahapon ay nag-privilege speech si Ejercito at sinabi nito na tinatanggap na niya ang utos ng Sandiganbayan.

Nahaharap sa mga kaso si Ejercito sa anti-graft court matapos nitong gamitin ang P2.1 milyong calamity fund ng San Juan City noong 2008 para bumili ng mga baril para naman sa lokal na pulisya.

Katuwiran ni Ejercito may crime wave sa lungsod noon at aniya ibinalik naman nila agad ang pondo.

Ngayon ang unang araw ng suspensyon ni Ejercito.

 

 

 

TAGS: JV Ejercito, ombudsman, sandiganbayan, Senate, Senate Committee on Rules, Vicente Sotto III, JV Ejercito, ombudsman, sandiganbayan, Senate, Senate Committee on Rules, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.