Mga grupong pabor at tutol sa hero’s burial kay Marcos nagkaharap-harap sa Padre Faura; mga anti-riot police, pumagitna

By Mariel Cruz November 08, 2016 - 11:51 AM

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Nagkaharap-harap sa kahabaan ng Padre Faura sa Maynila ang mga grupong pabor at tutol sa hero’s burial kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Inokupahan ng dalawang grupo ang kahabaan ng Padre Faura, dahilan para hindi na ito madaanan pa ng mga motorist.

Ang mga pro-Marcos ay nasa kaliwanang bahagi ng Supreme Court gate, habang nasa kanan naman ang mga grupong tutol na mailibing ang dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani.

Bitbit ng mga pro-Marcos ang mga placard na may nakasulat na “Para sa pambansang paghihilom, ilibing Na”.

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Habang ang mga tutol naman sa herp’s burial ay may bitbit ding mga placard na may nakasulat na “Marcos is No hero!”.

Mamayang hapon inaasahang magpapasya ang mga mahistrado ng Korte Suprema kung papayagan ba nila o hindi hero’s burial sa dating pangulo dahil ngayon ang pagtatapos ng umiiral na status quo ante.

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Pinagitnaan naman ng mga anti-riot police ang dalawang grupo upang maiwasan na sila ay magpang-abot.

 

TAGS: anti marcos, Hero's burial, libingan ng mga bayani, pro marcos, Supreme Court, anti marcos, Hero's burial, libingan ng mga bayani, pro marcos, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.