Dating Sen. Bong Revilla, pinayagan ng Sandiganbayan na manatili muna sa St. Luke’s

By Isa Avendaño-Umali November 08, 2016 - 10:57 AM

INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Pinagbigyan ng Sandiganbayan 1st division ang urgent motion na inihain ng kampo ni dating Senador Bong Revilla Jr., na makapanatili muna sa St. Luke’s Medical Center hanggang siya ay ma-discharge.

Si Revilla ay isinugod sa ospital noong Sabado matapos makaranas ng matinding pananakit ng ulo, pagsusuka at high-blood pressure.

Humanitarian consideration ang sinabing dahilan ng anti-graft court sa pagpayag nitong makapanatili muna sa ospital si Revilla.

Samantala, mariing itinanggi ng abugado ni Revilla na si Atty. Rean Balisi ang balitang kumalat sa social media na namayapa na ang senador.

Ayon kay Balisi, maayos ang lagay ni Revilla ngunit kailangan pang sumailalim sa ilang laboratory tests.

Sa pinakahuling medical bulletin na ipinalabas ng St. Luke’s Medical Center, na-diagnose umano si Revilla na mayroong acute migraine headache, tenosynovitis of the right arm, reactive hypertension, at esophagitis at non-erosive gastritis.

Maaari na rin umanong ma-discharge ang dating senador ngayong araw o ‘di kaya ay bukas, depende kung wala na itong mararamdaman na mangangailangan ng agarang aksyong medikal.

Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder matapos masangkot sa pork barrel scam.

 

 

 

 

TAGS: Bong Revilla, plunder, sandiganbayan, st luke's medical center, Bong Revilla, plunder, sandiganbayan, st luke's medical center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.