Miyembro ng media, sugatan sa pananambang sa Pangasinan

By Rohanisa Abbas November 08, 2016 - 10:39 AM

crime-scene-e1400865926320Sugatan ang isang kolumnista ng dyaryo at komentarista ng radyo matapos na tambangan ng 5:40 ng umaga sa Pangasinan.

Pinagbabaril ng riding-in-tandem ang tricycle na sinasakyan ni Virgilio Maganes habang siya ay patungo sa kanyang trabaho sa dwPR sa Dagupan City.

Ani Maganes, hindi bababa sa apat na putok ng baril ang kanyang narinig sa direksyon ng tricycle.

Naitakbo naman agad sa ospital ang biktima at ngayon ay nilalapatan ng lunas.

Maliban sa pagiging komentarista sa nasabing local radio station, si Maganes ay kolumnista rin ng local newspaper na Northern Watch.

Ito ang unang insidente ng pamamaril sa isang mamamahayag na napaulat sa ilalim ng administrasyong Duterte.

 

 

 

TAGS: media, pangasinan, Shooting Incident, media, pangasinan, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.