1 ang patay sa sunog sa Tandang Sora, Quezon City

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas November 08, 2016 - 06:19 AM

fire(UPDATE) Isang residente ang nasawi matapos ang sunog na naganap sa General Avenue sa Barangay Tandang Sora sa Quezon City.

Natagpuang walang buhay sa loob ng nasunog niyang bahay ang isang ginang na kinilalang si Emelita Duran tinatayang nasa edad 60.

Nasa pintuan na ng bahay si Duyan nang ito ay makita ng mga bumbero.

Aabot sa animnapung pamilya ang nawalan ng tahanan sa nasabing sunog.

Nagsimula ang sunog bago mag-alas kwatro ng madaling araw kanina, at itinaas sa ikatlong alarma alas 4:15 ng umaga.

Ang kalan na naiwang nakasindi sa bahay ng pamilya Duyan ang pinaghihinalaang pinagmulan ng sunog na mabilis na kumalat sa magkakadakit na bahay.

Dalawa naman sa mga residente ang sugatan na sina Patrick Jagwas, 21-anyos na nagtamo ng sugat sa ulo at ang 70-anyos na si Helen Gardolan na nasugatan sa paa.

Ayon sa Quezon City Fire Department, aabot sa P200,000 ang halaga ng pinsala ng nasabing sunog na tumupok sa nasa 20 mga bahay.

 

 

TAGS: fire, quezon city, Tandang Sora, fire, quezon city, Tandang Sora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.