Umaasa si Robredo na magkakaroon ng magandang bunga ang mga pakikipagusap ng kanilang partido kay Poe upang mapalakas ang kowalisyon ng administrasyon at mapag-isa kanilang mga adhikain.
Paliwanag ng mambabatas, dapat isantabi muna ang mga personal na ambisyon ng mga nagnanais na tumakbo sa pampanguluhang eleksyon at isaalang-alang ang kapakanan ng taumbayan.
Paniniwala pa nito, magandang ehemplo ang ginawa ni Sec. Mar Roxas noong 2010 nang isantabi nito ang kanyang presidential ambition at bigyang daan ang pagtakbo ni Pangulong Noynoy Aquino.
Madidismaya din siya aniya kung sakaling magpasya ring tumakbo sa Poe sa halip na tumambal kay Roxas.
“Ako palagay ko yung example na ipinakita ni Sec. Mar noong 2010, dapat maging example yun para sa ating lahat na over and above personal ambition, na para sa bayan pa rin ang mahalaga.” paliwanag ni Robredo.
Samantala, ayon pa rin kay Robredo, hindi naman siya pormal na kinakausap ng sinuman sa kanilang partido para tumakbo bilang bise presidente. “It’s not my option right now, ” ani Robredo.- Jong Manlapaz/Jay Dones