Senator Manny Pacquiao, nakabalik na ng bansa

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz November 08, 2016 - 06:15 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Matapos ang matagumpay na laban kay Jessie Vargas, nakabalik na sa bansa si Senator Manny Pacquiao mula sa Las Vegas.

Alas 4:16 ng umaga nang lumapag sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport ang sinasakyang flight PR 103 ni Pacquiao.

Agad bumalik ng bansa si Pacquiao matapos ang laban para makatutok sa trabaho sa Senado.

Sa kaniyang pahayag, pinasalamatan ni Pacquiao si Floyd Mayweather Jr., sa pagpapaunlak nito sa kaniyang imbitasyon na panoorin ang laban nila ni Vargas.

Dumeretso sa Dusit Thani Manila Hotel si Pacquiao mula sa airport.

Samantala, sa General Santos City naman ay naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng hero’s welcome para sa senador.

 

TAGS: Boxing, manny pacquiao, NAIA, Boxing, manny pacquiao, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.