21 pulis, iniimbestigahan dahil sa pagkamatay ni Espinosa

By Kabie Aenlle November 08, 2016 - 04:53 AM

Espinosa1Isinasailalim na sa imbestigasyon ang 21 na pulis dahil sa kwestyunableng operasyon laban kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na kaniyang ikinasawi noong Sabado.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Director for Administration Francisco Uyami, hindi muna pinapayagang pumunta sa kanilang mga opisina ang nasabing mga pulis habang wala pang resulta ang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame.

Ani Uyami, labingtatlo sa mga ito ay pawang mga tauhan ng CIDG, habang ang walo naman ay mga regular na pulis na kasama sa mga nagsagawa ng raid sa Baybay City, Leyte Sub-Provincial Jai, madaling araw ng Sabado.

Magugunitang nagtungo ang mga pulis sa kulungan ni Espinosa alas-4:00 ng madaling araw noong Sabado, para maghain ng search warrant laban sa alkalde at sa isa pang inmate na si Raul Yap.

Gayunman, pinaputukan umano agad nina Espinosa at Yap ang mga pulis kaya binalikan rin nila ang mga ito ng putok na siyang ikinamatay ng dalawa.

Samantala, sinibak naman na sa pwesto si Supt. Marvin Marcos na hepe ng CIDG-Region 8, dahil na rin sa nasabing kwestyunableng operasyon na isinagawa laban kay Espinosa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.