MMDA balik-EDSA na

By Kabie Aenlle November 08, 2016 - 04:23 AM

 

mmdaMuli nang ibinalik sa mga kamay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang responsibilidad bilang pangunahing ahensya na magma-mando ng trapiko sa EDSA.

Matatandaang mahigit isang taon na ang nakalilipas, itinalaga ng administrasyong Aquino sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang pamamahala sa trapiko sa EDSA.

Pero ibinabalik na ito ng Department of Transportation (DOTr) sa MMDA dahil tapos na anila ang tungkulin ng HPG sa pamamahala ng trapiko sa nasabing kalsada.

Inanunsyo ito ni MMDA traffic engineering head Neomie Recio kahapon sa kanilang flag raising ceremony, kasabay ng pagsabi na ang kailangan nilang magbuhos ng dedikasyon at sakripisyo upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa mga lansangan.

Gayunman, nilinaw ng DOTr na hindi naman nila tuluyang ipu-pull out ang HPG sa EDSA dahil pananatilihin pa rin nito ang skeletal force na hindi bababa sa 30 enforcers para tumulong sa MMDA traffic constables.

Ayon naman kay PNP-HPG spokesperson Supt. Beth Velasquez, ang mahigit 300 nilang tauhan na aalisin na sa EDSA ay maari nang ituon ang kanilang pansin sa C5 Road at Commonwealth Avenue.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.