Higit 100 pugot na bangkay, natagpuan sa dating kuta ng ISIS

By Jay Dones November 08, 2016 - 04:23 AM

 

isis iraqHindi bababa sa 100 mga bangkay na pawang mga pugot ang ulo ang nadiskubre sa mass grave sa loob ng eskwelahan sa isang bayan malapit sa southern Mosul, Iraq.

Nadiskubre ang naturang mass grave ng puwersa ng Iraq sa bayan ng Hammam al-Alil, may 30 kilometro ang layo sa Mosul, na nabawi ng Iraqi forces sa kamay ng ISIS nitong Lunes.

Ayon sa Iraqi Joint Military Command, natagpuan ang mass grave na puno ng mga pinugutang bangkay sa loob ng School of Agriculture.

Hinala ng mga otoridad, kagagawan ng mga ISIS gangs na kabilang sa Sunni Terror Group at mga militante ang karumal-dumal na krimen.

Simula October 17, sinimulan na ng Iraqi forces ang pagbawi ng bayan ng Mosul na dalawang taon nang nagsisilbing stronghold ng Islamic State o ISIS.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.