Panukala na magbibigay ng promotion sa mga sundalong atleta, isinusulong

By Kabie Aenlle November 08, 2016 - 02:26 AM

 

Inquirer file photo

Isinusulong ngayon sa Kamara ang isang panukalang batas na magbibigay ng pagkilala sa mga Pilipinong atleta na naninilbihan rin sa bansa bilang sundalo.

Inihain ni 1PACMAN Party List Rep. Michael Romero ang House Bill 4220 na nagpapanukalang bigyan ng rank promorion ang mga atletang nagwagi ng medalya habang nagse-serbisyo sa Armed Forces of the Philippines.

Sa nasabing panukala, iminungkahing taasan ng isang ranggo ang mga makakakuha ng bronze medal, dalawang ranggo para sa silver medalists, at tatlong ranggo naman sa gold medalists.

Posible ring makinabang si Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao ngayong nanalo siya sa laban kay Jessie Vargas, dahil isa siyang reservist lieutenant colonel sa ilalim ng Philippine Army.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.