Kerwin Espinosa sa napatay na ama: “Wala siyang kinalaman!”

By Kabie Aenlle November 08, 2016 - 01:41 AM

 

rolando kerwinHumagulgol ang hinihinalang top drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa, nang malaman niya ang sinapit ng kaniyang ama na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa noong Sabado ng madaling araw.

Ayon sa isang tauhan ng pamilya Espinosa na nakiusap na huwag ilabas ang kaniyang pangalan, tumawag sa kaniya si Kerwin noong Sabado ng hapon upang tanungin ang lagay ng kaniyang ama.

Sa mga panahong iyon, nasa morgue pa ng St. Peter’s Funeral Home sa Ormoc City, Leyte ang mga labi ng nakatatandang Espinosa, kaya iyon ang sinabi niya kay Kerwin.

Ipinaliwanag niya rin kay Kerwin na ang kaniyang ama ay napatay ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group-Eastern Visayas (CIDG-8), at doon na aniya nag-umpisang humagulgol si Kerwin.

Ayon sa source, ang pasigaw pang sinabi ni Kerwin kung bakit pinatay ang kaniyang ama gayong wala naman itong kinalaman sa isyu ng droga.

“Nganong si Daddy man nga wa man siyay labot! (bakit nila pinatay si Daddy? Wala naman siyang kinalaman!),” sabi ni Kerwin ayon sa source.

Sinundan na aniya ito ng patuloy na pag-hagulgol ni Kerwin bago naputol ang linya dahil naubos na ang tatlong minutong nakalaan sa kaniya para makatawag mula sa piitan sa Abu Dhabi.

Matatandaang si Kerwin ay naaresto noong October 17 sa Abu Dhabi, at naghihintay na lamang ng kaniyang extradition.

Dagdag ng source, tumawag pa ulit si Kerwin pagdating ng Linggo pero iba na ang tono nito, at hiniling rin niya na makausap ang hepe ng Albuera police na si Chief Insp. Jovie Espenido.

Nagtaka umano ang source dahil bago mapatay si Mayor Espinosa, galit si Kerwin kay Espenido.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.