Writ of Amparo at Habeas Data, ipinagkaloob ng Supreme Court

August 04, 2015 - 04:27 PM

supreme-courtKinatigan ng Korte Suprema ang hinihinging writ of Amparo at Habeas Data ng tatlong opisyal at miyembro ng mga militanteng grupo.

Ang kaso ay may kinalaman sa petisyong inihain ni Rosalinda Nartates at kanyang mga kasamahan laban kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ang writ of Amparo at Habeas Data ay para sa tatlong miyembro ng grupong Confederation for the Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o COURAGE, Salinlahi Alliance for Childrens Concerns o Salinlahi at Children’s Rehabilitation Center o CRC.

Ayon sa mga petitioner, sila ay ginigipit at tinitiktikan ng mga myembro ng AFP at PNP.

Kasabay nito, iniutos ng Korte Suprema sa Court of Appeals na magsagawa ng summary hearing sa kaso, atasan ang mga respondent na magsumite ng verified return to the writs sa loob ng 15 araw at pagsumitehin ang mga respondent ng kumento sa petisyon.

Kinakailangan umanong madesisyunan ng Court of Appeals ang kaso sa loob ng 30 araw matapos nitong ideklarang submitted for resolution na ang petisyon./ Ricky Brozas

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.