Reklamo ni de Lima kay Duterte balewala ayon sa ilang lider ng Kamara

By Isa Avendaño-Umali November 07, 2016 - 08:37 PM

Gwen
Photo: Isa Umali

Malabong baliin ng Kataas-taasang Hukuman ang matagal nang polisiya na gumagarantiya sa immunity ng presidente mula sa mga kaso o reklamo.

Iyan ang pahayag nina House Deputy Speakers Pia cayetano at Gwen Garcia kaugnay ng inihaing petisyon ni Senadora Leila de lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Cayetano, wala siyang nakikita at wala siyang alam na dahilan para baguhin ng Korte Suprema ang naturang long standing policy.

Sinegundahan ito ni Garcia at iginiit na kung mayroong reklamo laban sa president ito ay maaari lamang idaan sa pamamagitan ng impeachment complaint.

Kasabay nito, binigyang diin ni Garcia na ang kasong inihain ni de Lima ay hindi dapat maging usapin ng gender sensitivy.

Katwiran ng lady solon, karapatan naman nang sinuman mapa-babae o lalaki na magreklamo kung sa palagay nito ay ginigipit o inaabuso siya.

TAGS: cayatano, Congress, de laima, duterte, Garcia, cayatano, Congress, de laima, duterte, Garcia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.