Kongresista pumalag sa pagkakasama ng pangalan sa drug list ni Espinosa

By Isa Avendaño-Umali November 07, 2016 - 08:28 PM

Veloso
Photo: Isa Umali

Itinanggi ni Leyte Rep. Vicente Veloso na siya ay protektor ni Kerwin Espinosa na sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga. I

Inilabas ni Veloso ang pahayag matapos masama ang kanyang pangalan sa affidavit ng napatay na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., bilang isa raw sa nagbibigay ng proteksyon sa anak nitong si Kerwin.

Sa statement ni Veloso, iginiit nito na kung siya ay protektor ni Kerwin ay dapat napasama na siya sa mga kinasuhan base sa affidavit ni Espinosa.

Ang affidavit din umano ng alkalde ay hearsay lamang dahil ni-hindi ito nakabase sa personal knowledge nito.

Paglilinaw ni Veloso, hindi niya kilala si Kerwin o kahit si Mayor Espinosa.

Hindi rin daw niya alam ang sinuman sa mga nabanggit na witnesses sa affidavit ng alkalde.

Aniya pa, imposibleng magkaroon siya ng koneksiyon kay Kerwin dahil ang kanyang employment background ay hindi nagkaroon ng oportunidad na humawak ng drug cases.

Noong siya ay mahistrado pa ng Court of Appeals, limitado umano ang kanyang tungkulin sa pagrebyu ng mga desisyon ng RTC judges sa Luzon.

Dagdag ni Veloso, kahit ang PNP ay nilinis na ang kanyang pangalan mula sa anumang partisipasyon sa drug trade.

Naniniwala naman ang kongresista na politically motivated ang pagkakasama ng kanyang pangalan sa affidavit ni Espinosa.

TAGS: espinosa, leyute, veloso, espinosa, leyute, veloso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.