Pagbili ng PNP ng mga M4 rifles sa U.S di na tuloy ayon kay Duterte

By Chona Yu, Den Macaranas November 07, 2016 - 05:05 PM

sig2
Photo: Sig Sauer

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na kanselahin na ang pagbili ng 26,000 piraso ng M4 rifles mulas a U.S.

Sa kanyang pahayag sa Malacañang ay sinabi ni Duterte na mas marami pa silang makukuhang mas murang mga baril para sa PNP nang hindi naisasakripisyo ang kalidad nito.

Ipinaliwanag rin ng pangulo na inatasan na niya ang mga opisyal ng PNP na pag-aralan ang pagbili ng mga M4 rifles o iba pang uri ng baril mula sa ibang mga supplier.

Magugunitang sinabi rin ng pangulo na posibleng ikunsidera ng kanyang administrasyon ang pagbili ng mga baril mula sa China o kaya ay sa Russia.

Nauna dito ay sinabi ng isang mambabatas na U.S na haharangin nila ang pagbili ng bansa ng 26,000 piraso ng mga M4 rifles sa U.S dahil baka magamit lamang ang mga baril sa mga kaso ng umano’y extra judicial killings sa bansa.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng Sig Sauer na tuloy ang transakyon ay inaayos na nila ang mga dokumento para sa nasabing uri ng mga baril.

TAGS: duterte, m4 rifle, PNP, sig sauer, U.S, duterte, m4 rifle, PNP, sig sauer, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.