Pagkilala sa panibagong tagumpay ni Pacquiao inihirit sa Senado

By Jan Escosio November 07, 2016 - 03:27 PM

Pacquiao-Vargas
Inquirer photo

Hiniling ni Senate majority leader Tito Sotto na bigyan parangal ng Senado ang kasamahan nilang si Sen. Manny Pacquiao kaugnay sa panalo nito kahapon kontra kay Jessie Vargas.

Sa kanyang Senate Resolution No. 217, inihirit ni Sotto na kilalanin sa Senado ang muling pagbibigay karangalan sa bansa at sa ating mga kababayan ng pambansang kamao.

Giit nito, nagsisilbi din malaking inspirasyon para sa lahing Filipino ang pagbabalik sa boksing ni Pacquiao.

Nauna nang inanunsiyo ni Pacquiao ang pagreretiro sa mundo ng boxing noong Abril ngunit sadyang hindi nito maiwasan ang tukso ng boxing at kahapon ay naganap kanyang comeback fight.

Ilang Senador na rin ang agad bumati kay Pacquiao sa pagkaka-agaw nito sa WBO Welterweight belt kay Vargas.

TAGS: Pacquiao, senate, Sotto, vargas, Pacquiao, senate, Sotto, vargas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.