NBI at DOJ pasok na rin sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Mayor Espinosa
Pabor si Interior Sec. Ismael Sueno na pumasok ang Department of Justice at National Bureau of Investigation sa pagsisiyasat sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Ayon kay Sueno, nais niyang ang DOJ at NBI ang gumawa ng pagsisiyasat upang hindi malagyan ng anumang duda ang anumang resulta nito.
Sa kasalukuyan, magiging limitado lamang muna ang magiging partisipasyon ng Internal Affairs Service ng PNP tungkol sa imbestigasyon ng operasyon ng mga Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Paliwanag ng kalihim, posible umano na mabigyan ng pagdududa ang anumang resulta kung kapwa nila pulis ang gagawa ng imbestigasyon.
Tiniyak ni Sueno na magiging patas ang gobyerno sa magaganap na pagsisiyasat upang matukoy ang dahilan ng pagpatay kay Mayor Espinosa.
Handa din anya ang kalihim na makipagtulungan sa gagawing planong pagbukas muli ng mga senador na pagsisiyasat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.