Bangkay ng dayuhang babae na sinasabing napatay ng Abu Sayyaf, natagpuan sa Sulu

By Rohanisa Abbas November 07, 2016 - 12:44 PM

abu-sayyaf-2Natagpuan na sa Laparan Island sa Panguturan, Sulu ang bangkay ng isang dayuahng babae na sinasabing napatay ng mga Abu Sayyaf matapos manlaban.

Pinaniniwalaang bangkay ito ni “Sabrina,” ang babaeng kasama ng German national na dinukot ng Aby Sayyaf sa Tanjung Pisut, Tawi-Tawi.

Ayon kay Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP), isang babaeng dayuhan, na nasa edad 50, ang natagpuan sa isang yate na may markang “ROCK ALL” at may watawat ng Germany.

Nagtamo ang bangkay ng mga tama ng bala sa katawan at may nakitang baril sa tabi nito.

Matatandaang sinabi ni Muamar Askali, nagpakilalang tagapagsalita ng Abu Sayyaf, na bihag ng bandidong grupo ang isang turistang German na si Juegen Kantner.

Pinatay umano ng mga myembro ng Abu Sayyaf si “Sabrina” matapos manlaban sa mga bandido.

 

 

TAGS: abu sayyaf group, German national, kidnap victim, Sulu, abu sayyaf group, German national, kidnap victim, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.