De Lima, kinasuhan si Duterte sa SC

By Erwin Aguilon November 07, 2016 - 11:31 AM

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema si Senator Leila De Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila ng pagkakaroon ng immunity from suit ni Duterte bilang pangulo ng bansa naghain si De Lima ng petition for writ of habeas data laban sa presidente.

Ani De Lima ang writ of habeas data ay maaring ihain ng sinomang indibidwal na nalalabag ang privacy, liberty at seguridad.

Dumaan muna si De Lima sa restaurant malapit sa Korte Suprema kasama ang kaniyang mga tagasuporta, at saka sabay-sabay na nagmartsa patungong SC building.

Ani De Lima, maituturing itong ‘test case’ sa pagkakaroon ng immunity from suit ng isang pangulo ng bansa.

Ipinaliwanag ng senadora na ang mga pag-atake sa kaniya ni Duterte ay ginagawa ng pangulo ng labas o walang kaugnayan sa kaniyang pagiging punong ehekutibo.

Dahil dito, hindi aniya pwedeng magamit sa isyu ang doktrina ng presidential immunity.

“Hindi po absolute ang doctrine of presidential immunity. Test case po ito sa presidential immunity, kasi wala pong kinalaman ang kaniyang tungkulin bilang pangulo ang mga pambabastos niya sa akin, outside of his official function na po iyan. Kaya hindi po pwedeng mag-apply ang doktrina na iyan,” sinabi ni De Lima.

Inilakip ni De Lima sa kaniyang petisyon ang CD na naglalaman ng video at audio recordings ng mga personal at verbal attacks umano sa kaniya ni Duterte.

Ang mga personal na atake ng pangulo kay de lima ayon sa petisyon ay paglabag sa Magna Carta for Women at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sa kanyang petisyon inilagay nito ang mga pagkakataon kung saan siya nakaranas ng mga personal verbal attack mula kay Duterte.

Lumala din ayon kay De Lima ang pag-atake sa kanya ng simulan nito ang imbestigasyon ng Senado sa mga nagaganap na Extra Judicial killings at summary executions.

Isinumite rin ng senador sa korte ang assessment reporr na isinagawa ng psychologist na si Dr. Sylvia Estrada Claudio kaugnay sa psychological effect ng mga ginagawa ni Duterte kay De Lima.

Maliban sa kagilingan na pahintuin ng Korte Suprema ang pangulo at kanyang mga tauhan sa pangangalap ng mga personal information tungkol sa kanyang pribadong buhay nais din ni De Lima na i-delete at wasakin ang
mga illegally obtained evidence laban sa kanya.

Nais din ni De Lima na pagbawalan ng SC ang pangulo at ang kanyang mga tauhan sa pagsasalita na nakakasira sa kanyang pagkababae, dignidad, paglalahad ng umano’y pakikipagtalik nito, pag-atake na nagdudulot ng psychological violence at iba pang paglabag sa kanyang karapatan.

Gusto rin ni De lima na atasan ng korte ang pangulo na ilahad kung anong bansa ang tumulong dito uoang pakingggan ang kanyang private conversation.

Kasama ni De Lima sa paghahain ang kanyang abogado na si De La Salle College of Law Dean Jose Manuel Diokno.

 

 

 

TAGS: leila de lima, Rodrigo Duterte, Supreme Court, writ of habeas data, leila de lima, Rodrigo Duterte, Supreme Court, writ of habeas data

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.