Libre ang sakay ngayong araw sa ferry boats ng Pasig River Ferry System

Pasig River Ferry | MMDA Photo
Pasig River Ferry | MMDA Photo

May libreng sakay ang Pasig River Ferry System ngayong araw.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), libreng magagamit ngayon ng mga pasahero ang ferry boats sa lahat ng istasyon ng Pasig River Ferry.

Ito ay bilang handog ng MMDA sa mga tumatangkilik sa ferry system.

Ipinagdiriwang kasi ngayong araw ng MMDA ang kanilang ika-41 anibersaryo.

Ayon sa MMDA, buong araw ang free ride para sa lahat ng istasyon.

 

 

Read more...