Mga labi ni Mayor Espinosa, ibinurol sa kanilang tahanan sa Albuera

By Rohanisa Abbas November 07, 2016 - 09:59 AM

Inquirer Photo / Rpbert Dejon
Inquirer Photo / Rpbert Dejon

Idinaos ang unang gabi ng burol ni Albuera Mayor Rolando Espinosa, Sr. sa kanyang bahay sa Barangay Tinago, Albuera, Leyete.

Sa unang araw, tanging ang mga kamag-anak at kapitbahay ni Espinosa ang dumalo.

Tumanggi naman ang pamilya Espinosa na magpaunlak ng panayam sa media.

Nauna nang ipinahayag kahapon ng abogado ng pamilya na si Lanie Villarino na umano’y overkill ang nangyari matapos ilabas ang autopsy report sa bangkay ng alkalde.

Pinag-aaralan ng kampo ng pamilya Espinosa ang pagsampa ng kaso sa mga pulis na sangkot sa umano’y shootout.

TAGS: Albuera Leyte, eastern visayas, rolando espinosa, wake, Albuera Leyte, eastern visayas, rolando espinosa, wake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.