Dalawang mananaya ng lotto wagi sa Superlotto 6/49 draw kagabi

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2016 - 06:22 AM

pcso-super-lottoDalawang lotto bettor ang maghahati sa P16 million na jackpot prize sa Superlotto draw ng Philippine Charity Spweesptakes Office (PCSO) kagabi.

Ayon sa PCSO, dalawa ang maswerteng nakakuha ng winning number combination na 11-24-21-28-7 at 14.

Samantala, wala namang nakakuha sa mahigit P53 million na jackpot prize sa Ultra lotto na binola din kagabi.

Ang Ultra Lotto jackpot ay mayroong kabuuang P53,142,076 na premyo at sa draw kagabi, walang nakakuha sa winning combination na 54-48-58-42-21 at 15.

Noong SAbado naman, isang lotto bettor ang maswerte at naging instant milyonaryo, makaraang mapanalunan ang jackpot sa 6/55 grand lotto na aabot sa halos P67 million.

 

TAGS: 6/49, Lotto, lotto result, 6/49, Lotto, lotto result

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.