LPA binabantayan ng PAGASA sa Surigao Del Sur

Photo from PAGASA
Photo from PAGASA

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Huling namataan ang nasabing LPA sa 510 kilometer sa Silangan ng Hinatuan.

Ayon sa PAGASA, posibleng lumabas din ng bansa o ‘di kaya naman ay maluwas ang nasabing LPA.

Ngayong araw sinabi ng PAGASA na magiging maulap ang papawirin at makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa CARAGA at Davao region.

Habang may isolated rainshowers naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Ang bagyong binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR na isa nang Typhoon ay patuloy sa paglayo at huling namataan sa 2,570 kilometer east ng extreme northern Luzon.

Bagaman lalo itong lumakas ang Typhoon Meari at ngayon ay mayroong nang taglay na lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 185 kilometers bawat oras ay nag-iba naman ito ng direksyon kaya lumiit na ang tsansang pumasok pa sa bansa.

 

 

 

Read more...