Ex-Pres. Noynoy, tututukan ang kaso ng Espinosa killing

 

Interesado rin si dating Pangulong Benigno Aquino III sa magaganap na imbestigasyon sa kuwestyonableng pagkakapatay ng mga tauhan ng CIDG region 8 kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sa pagharap ni Ex-President Noynoy Aquino sa mga mamamahayag nang magtungo ito sa Pray for Eight concert sa Luneta kagabi,  sinabi nito na maging siya ay nais na malaman ang mga kaganapan sa naturang insidente.

Ayon sa dating pangulo, tulad aniya ng maraming mamamayan, kanyang aabangan din ang resulta ng magiging imbestigasyon sa kaso.

Umaasa rin aniya siya na magiging mabilis ang imbestigasyon at mabubuksan muli ang pagdinig sa extrajudicial killings tulad ng nais na mangyari ni Senador Panfilo Lacson.

Matatandaang noong Sabado, napatay ng mga tauhan ng CIDG Region 8 si Espinosa at isa pang inmate ng Baybay City Provincial Jail na si Raul Yap.

Sa salaysay ng mga otoridad, nanlaban umano ang dalawa nang isisilbi ang search warrant kaya’t napilitan umano silang paputukan ang mga ito.

Read more...