2 Indonesian fishermen, dinukot sa karagatan ng Malaysia; ASG pinagsususpetsahan
Dalawang Indonesian ang pinakabagong mga biktima ng pagdukot ng mga armadong kalalakihan sa karagatang sakop ng eastern Sabah, Malaysia.
Bagamat hindi direktang tinukoy, sinasabing naganap ang pagdukot lugar kung saan malimit na nagsasagawa ng pagdukot ang bandidong Abu Sayyaf.
Ayon sa pinuno ng Eastern Sabah Security Command ng Malaysia, naganap ang pagdukot noong Sabado sa karagatang sakop ng Sandakan.
Limang armadong suspek ang puwersahang tumangay umano sa dalawang kapitan ng barkong pangisda sa magkahiwalay na pagkakataon.
Matatandaang makailang ulit nang nagsagawa ng pagdukot ang Abu Sayyaf sa ilang tripulante ng mga barko sa karagatang nasa pagitan ng mga bansang Malaysia, Indonesia at Pilipinas.
Ang kanilang mga biktima ay dinadala at tinatago sa lalawigan ng Sulu.
Ito ang dahilan kaya’t bumuo na ng planong magsagawa ng joint security operations ang tatlong bansa upang mapigil ang pamamayagpag ng kidnap for ransom groups tulad ng Abu Sayyaf sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.