Inter-agency task force na mag-iimbestiga sa pagkamatay ni Espinosa, pinabubuo ni Hontiveros

By Mariel Cruz November 06, 2016 - 03:00 PM

risa hontiveros1
FILE PHOTO

Ipinanawagan ni Sen. Risa Hontiveros ang pagbuo ng isang inter-agency task force na mag-iimbestiga sa pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., sa loob ng kanyang kulungan sa Leyte Sub-Provincial Jail sa Baybay City.

Sa isang pahayag, sinabi ni Hontiveros na nananawagan siya sa administrasyong Duterte na agad bumuo ng isang independent inter-agency task force na magsasagawa ng mabilis at masusing imbestigasyon sa nakakabahalang insidente.

Nararapat aniyang imbestigahan ng gobyerno ang umano’y foul play sa pagkamatay ni Espinosa.

Kinuwestyon naman ng senadora kung bakit isinagawa ang pagsisilbi ng search warrant ng alas kwatro ng madaling araw sa taong nakakulong na at walang koordinasyon sa mga jail guard.

Maging ang pagkakawala ng hard drive ng CCTV camera ng kulungan matapos ang insidente ay kinuwestyon din ng mambabatas.

Sinabi din ni Hontiveros na suportado nito ang plano ni Sen. Panfilo Lacson na muling buksan ang imbestigasyon ng Senado sa sa umano’y extra judicial killings ng mga drug suspek kasunod ng pagkamatay ni Mayor Espinosa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.