Zero-crime sa Metro Manila sa Pacquiao-Vargas boxing match – NCRPO

By Isa Avendaño-Umali November 06, 2016 - 02:14 PM

 
PACQUIAO-VARGAS 2Zero-crime o walang naitalang krimen sa Metro Manila sa kasagsagan ng boxing match ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao laban kay Jessie Vargas sa Las Vegas, Nevada, USA.

Ayon kay Police Chief Superintendent Oscar Albayalde, pinuno ng National Capital Region Police Office o NCRPO, wala silang nai-rekord na anumang insidente ng krimen sa Pacman-Vargas boxing match.

Sinabi ni Albayalde na binabati ng buong NCRPO si Pacquiao na nagdala na naman ng panibagong tagumpay para sa sambayang Pilipino.

Ang pagkapanalo aniya ng Filipino boxing icon ay isang ‘victory for peace and honor.’

Tuwing may laban sa boxing ring Pacquiao, na ngayong ay isa ang Senador, madalas na nakapagtatala ng zero-crime ang pambansang pulisya.

Si PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ay nasa Las Vegas upang personal na panuorin at suportahan ang People’s champ.

TAGS: Senator Manny Pacquiao, Senator Manny Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.