47 katao, arestado dahil sa anti-capitalism protest sa London

By Angellic Jordan November 06, 2016 - 11:03 AM

FOREIGN
Inquirer file photo

Apat na pu’t pitong katao ang naaresto ng British police dahil sa anti-capitalism demonstration sa gitnang bahagi ng London kaninang umaga.

Inorganisa ang nasabing protesta nang hindi pa nakikilalang hacking group.

Daan-daan ang nakiisa sa protesta kung saan karamihan sa mga ito ay nakasuot ng maskara.

Nagsimula ang mga raliyitsa sa Trafalgar Square patungong Parliament habang isinisigaw ang “whose streets? our streets” at “one solution, revolution.”

Sa tala ng pulisya, aabot sa tatlumpu’t tatlo katao ang nakulong, labing-apat ang naaresto dahil sa droga habang labing-isa bunsod ng obstruction.

Maliban dito, isa pa ang hinuli ng pulisya dahil sa criminal damage.

Samantala, inuugnay naman sa hindi pa kilalang grupo ang nangyayaring martsa sa iba’t ibang lungsod sa buong mundo ngayong araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.