DOJ, iniutos sa NBI na magsagawa ng parallel probe sa pagkamatay ni Espinosa

By Mariel Cruz November 06, 2016 - 09:41 AM

vitaliano-aguirreIniutos ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation ang pagsasagawa ng parallel investigation sa pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng kanyang kulungan sa Leyte Sub-Provincial Jail sa Baybay City.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, sa pamamagitan ng kanyang undersecretary, iniutos ng ahensya sa NBI na magsagawa ng parallel investigation sa naturang kaso para maiwasan ang ‘whitewash’.

Nararapat aniya na imbestigahan ang ilang mga pangyayari na humantong sa pagkamatay ni Espinosa.

Sinabi ni Vitaliano na kaduda-duda ang mga naturang pangyayari kaya dapat imbestigahan para mabatid ang katotohanan.

Una nang ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa sa Criminal Investigation and Detection Group, Police Regional Office 8 at Internal Affairs Service (IAS) na magsagawa ng independent investigation sa pagkakamatay ng alkalde.

Napatay matapos umanong manlaban si Espinosa at ang isang pang drug suspek na si Raul Yap sa loob ng kanilang kulangan habang isinisilbi ng mga operatiba ng CIDG Regional 8 na pinangunahan ni Chief Insp. Leo Laraga ang search warrant.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno ang pag-relieve sa jail warden ng Leyte Sub-Provincial Jail na si Antonio Ubaldo.

Kasabay nito, tiniyak ni Sueno sa publiko na hindi nila pababayaan ang naturang kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.