Clearing operations, nakapagpaalis ng aabot sa 1,000 sidewalk vendors ayon sa MMDA
Aabot sa 1,000 mga sidewalk vendors ang napaalis sa mga pedestrian at mga sidewalk dahil sa ongoing clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay MMDA general manager Thomas “Tim” Orbos na ipagpapatuloy ng ahensya ang clearing operations hanggang sa lahat ng sidewalks sa Metro Manila ay pwede ng madaanan ng mga pedestrians.
Dagdag pa ni Orbos na kahit na sila ay nagsasagawa ng clearing operations ay pansamantala lang nilang kinukumpiska ang mga paninda ng mga vendors.
Iginiit pa ni Orbos na hindi naman kasi pwedeng basta na lang kunin ang kanilang mga paninda dahil ito ang kabuhayan ng mga vendors.
Sinabi din ni Orbos na nakapagdayalogo na sila sa ilang vendor associations para pag-usapan ang muling pagbalik ng mga vendors sa mga na-clear nang mga sidewalks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.