Libu-libong katao, nagprotesta sa South Korea

By Rod Lagusad November 06, 2016 - 04:28 AM

south korea pres parkNagtipun-tipon ang libu-libong South Koreans sa downtown Seoul para ipanawagan ang pagbaba sa pwesto ni President Park Geun-hye.

Ang nasabing protesta ang siyang pinakamalaking protesta laban sa gobyerno ng South Korea sa Seoul sa loob ng isang taon matapos mag-apologize on live live television si Park.

Ang mga nagpoprotesta ay may hawak hawak na mga banners, mga kandila at mga makukulay na signs kung saan mababasa ang “Park Geun-hye out” at “Treason by a secret government”.

Kinabibilangan ng mga estudyante ang naturang demonstrasyon kung saan kanilang ipinanapanawagan ang pagbaba sa pwesto ng kanilang Presidente.

Ilan rin sa isinisigaw ng mga estudyante habang nagmamartsa patunguong City Hall ay ang “Arrest Park Geun-hye,” “Step down, criminal” at “We can’t take this any longer.”

 

TAGS: Park Geun-hye, Seoul, south korea, Park Geun-hye, Seoul, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.