7 taong gulang na batang babae at isa pa patay matapos makuryente sa Boracay

By Rod Lagusad November 06, 2016 - 04:30 AM

inquirer.net

Patay ang dalawang katao kabilang ang isang pitong taong gulang na batang babae matapos makuryente sa Boracay sa Malay. Aklan kahapon.

Kinilala ng mga otoridad ang mga nasawi na sina Christina Matillano, 31 taong gulang at Analyn Salibio, 7 taong gulang.

Ayon sa initial report, isang live wire mula sa isang poste ng kuryente ang dahilan ng pagkakakuryente ng mga biktima sa Barangay Yapak bandang alas-nuebe ng umaga, kahapon ng Sabado.

Nasaktan din sa insidente ang pitong buwang buntis na nanay ni Salibio na si Rosita.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang naturang insidente para malaman ang naging sanhi nito.

TAGS: aklan, boracay, Kuryente, Malay, aklan, boracay, Kuryente, Malay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.