Pantay na imbestigasyon sa pagkamatay ni Mayor Espinosa tiniyak ng PNP

By Den Macaranas November 05, 2016 - 06:23 PM

Espinosa bato1
Inquirer file photo

Tiniyak ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa na personal niyang tututukan ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Ipinaliwanag rin ng opisyal na inutusan na niya ang kanyang mga tauhan na alamin ang lahat ng anggulo sa naganap na umano’y barilan sa pagitan ng mga tauhan ng Criminal Investigationa and Detection Group (CIDG) at Espinosa sa loob ng Baybay City Jail sa Leyte.

Nais ding alamin ng PNP Chief kungbakit kailangang i-serve ng maaga ang search warrant laban sa nasabing suspected drug lord.

Sinabi rin ni dela Rosa na inirerespeto niya ang naging pahayag ni Sen. Ping Lacson na isang uri ng extra judicial killing ang sinapit ni Espinosa mula sa mga kamay ng CIDG personnel sa Leyte.

Kasalukuyang nasa official leave si dela Rosa para personal na panoorin ang laban nina Sen. Manny pacquiao at Jessie Vargas sa Las Vagas.

Pero nilinaw ni dela Rosa na wala siyang gastos sa nasabing lakad dahil personal daw siyang inanyayahan ng kanyang kaibigan na si Pacquiao na manood sa nasabing laban.

Mula sa airfare, hotel accomodations at pang-shopping ay sinagot umano ng pambansang kamao.

TAGS: dela rosa, duterte, espinosa, Las Vegas, Pacquiao, dela rosa, duterte, espinosa, Las Vegas, Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.