CHR kinondena ang pagpatay kay Mayor Espinosa

By Angellic Jordan November 05, 2016 - 05:26 PM

crime-scene-300x200Mariing kinondena ni Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana ang pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinos Sr. sa sa Baybay City Provincial Jail.

Ayon sa inilabas na pahayag nito, tinutuligsa nila ang lahat ng di-makatwirang pagpatay sa isang tao nang hindi dumadaan sa tamang proseso batay sa human rights law sa ibang bansa at batas ng Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi pa ng CHR commissioner na tinawag na ang atensyon ng Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensiya  kasama ang Baybay City Provincial Jail upang magsagawa ng agarang imbestigasyon upang managot ang responsable sa nangyaring insidente.

Bilang Extra Judicial Task Force Chairperson, inatasan din ni Gana ang CHR Regional Office na magsawa ng sariling imbestigasyon kaugnay dito.

Sinisiguro naman ng opisyal sa publiko na magiging tapat sa responsibilidad ang ahensiya sa isasagawang hakbang ukol dito.

TAGS: CHR, CIDG, duterte, espinosa, gana, CHR, CIDG, duterte, espinosa, gana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.