Duterte ibinunyag ang planong kudeta ng mga kritiko sa 2017

duterte01
Inquirer file photo

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong mayamang Pinay na nakapag-asawa ng isang black foreigner ang nagpopondo para patalsakin siya sa puwesto.

Ayon sa pangulo, isang malawakang demonstrasyon ang ikinakasa umano sa susunod na taon para mapaalis siya sa pwesto.

Gayunman hindi nabahala ang pangulo sa naturang banta.

Katunayan pakiusap ng pangulo sa mga coup plotters magtungo na lamang sa Malacañang at magsabi sa kanya na sila na ang gustong mamuno sa bansa.

Ayon sa pangulo, siya pa ang mangunguna sa pagpapanumpa sa sinumang nagnanais na umagaw sa kanyang pwesto.

“So, let us see kasi meron– next year a certain financier, mayaman na babae who married a black and is now a millionaire and she is planning to do massive demonstration”, pahayag ni Duterte.

Nauna nang lumutang ang balita na si Loida Lewis na kilalang supporter ng LP ang nasa likod ng planong kudeta.

Read more...