Kidnapping cases sa Binondo walang report sa NCRPO

By Den Macaranas November 05, 2016 - 10:29 AM

Albayalde
Inquirer file photo

Aminado ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) na wala silang impormasyon kaugnay sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga kaso ng kidnapping sa Binondo, Maynila.

Sinabi ni NCRPO Dir. Oscar Abayalde na nakikipag-ugnayan na sila sa PNP Anti-Kidnapping Group kaugnay sa nasabing balita.

Kahapon ay sinabi ni Pangulong Duterte na nag-shift na ngayon sa kidnapping ang ilang grupo na dating sangkot sa illegal drug trade.

Sa nakalipas na tatlong linggo, sinabi ni Duterte na anim na kaso ng pagdukot ang umano’y naganap sa Binondo area.

Pero sinabi ng NCRPO na walang nakakarating sa kanilang ganoong uri ng impormasyon pero regular umano ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Chinese community.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin ang Manila Police District sa Filipino-Chinese community para sa dagdag na mga impormasyon.

TAGS: albayalde, duterte, Kidnapping, Matro Manila, albayalde, duterte, Kidnapping, Matro Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.