Manalo man o matalo malaki ang kikitain ni Pacquiao ayon kay Arum

By Den Macaranas November 05, 2016 - 08:42 AM

pacquiao vargasSinabi ni Top Rank Promotion CEO Bob Arum na tiyak na mas malaki ang kikitain ni People’s Champ Manny Pacquiao sa pakikipaglaban niya bukas kay Jessie Vargas.

Sinabi ni Arum na malaking halaga ang matitipid ng kanilang grupo dahil nawala ang mga “middle men” sa laban.

Ang tinutukoy ni Arum ay ang HBO at ang “Showtime” na umatras na maging bahagi ng pay-per-view partnership para sa nasabing laban.

Ganyunman ay hindi pa tiyak ni Arum kung magkano ang aktuwal na kikitain o ang guaranteed amount para sa pambansang kamao.

Si Vargas ay tiyak naman na kikita ng $2.8 Million sa nasabing laban.

Nauna dito ay naging problema ang pagbebenta ng mga tickets para sa Pacquiao-Vargas Fight dahil masyado umanong nakalalamang si Pacman sa laban.

Hanggang kahapon ay may natitira pang 3,000 para sa nasabing bakbakan ayon kay Arum.

TAGS: arum, Las Vegas, Pacquiao, vargas, arum, Las Vegas, Pacquiao, vargas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.