Ayon kay NPD District Special Operation Unit Chief Ali Duterte, isisilbi sana nila ang warrant of arrest laban kay Jomar Serano alyas “Boknoy” sa bahay nito sa Pandi, Bulacan.
Sakto naman na papaalis na ang suspek sakay ng Toyota Galliant papunta ng Valenzuela.
Naharang naman ang sasakyan ng suspek sa bahagi ng Mindanao Ave. ext. sa Ugong Valenzuela, pero imbis na sumuko ay nakipagbarilan pa ito sa mga pulis.
Ayon naman kay Valenzuela Assistant Police Chief for Police Operation Supt. Freddie Colico, si Serano ay isang hitman na umano’y pumapatay sa mga asset ng police sa CAMANAVA at maging sa mga hindi nakakapagsulit ng bawal na gamot.
Maliban sa pagiging hitman, pusher din umano ang suspek na buong CAMANAVA, at ilang bahagi ng Maynila na pinagbabagsakan nito ng shabu.
Inaalam pa rin ng mga otoridad ang pagkakilanlan ng kasama ni Serano na nakipagbarilan din sa mga pulis at napatay rin.
Nakuha naman sa crime scene ang isang .45 caliber at .38 caliber at isang granada.