Magnitude 6.4 na lindol, tumama sa Chile

By Kabie Aenlle November 05, 2016 - 05:24 AM

chile mapNiyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang kabisera ng Chile na Santiago, Biyernes ng hapon sa kanilang oras.

Ayon sa European Mediterranean Seismological Centre (EMSC), may lalim na 80 kilometers ang naitalang lindol, na ayon sa mga nakasaksi ay tumagal ng halos isang minuto.

Ilang mga testigo ang nag-ulat sa Reuters na umuuga ang mga gusali sa lungsod nang mangyari ang lindol na yumanig sa lugar malapit sa border nito sa Argentina.

Ayon sa emergency office ng bansa, isa itong major event, ngunit nilinaw naman ng kanilang navy na hindi naabot ng lindol ang criteria sa pagkakaroon ng banta ng tsunami.

Excerpt:

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.