Pakiusap ng Diyos sa kaniya na ‘wag nang mag-mura, biro lang ayon kay Duterte

By Kabie Aenlle November 05, 2016 - 05:25 AM

duterte01Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbibiro lang siya nang sabihin niya kamakailan na kinausap siya ng Diyos at pinagsabihan siyang itigil na ang pagmumura.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng Integrated Bar of the Philippines of Greater Manila, sinabi niya na hindi man siya bar topnotcher, hindi naman siya sira ulo.

Paliwanag pa ng pangulo, noong siya pa ay namumuno sa Davao, mahilig siya mag-biro tungkol sa kung anu-ano na binabawi rin naman niya kalaunan.

Aniya pa, “ugok” lang ang maniniwala sa mga ganitong biro niya.

Matatandaang sa pagbalik niya sa Pilipinas mula sa kaniyang official visit sa Japan, sinabi ni Duterte na habang natutulog ang mga kasama niya sa eroplano ay kinausap siya ng Diyos tungkol sa pagmumura niya.

Ngunit binali naman ng pangulo ang kaniyang pangako na hindi na siya magmumura, dahil ilang araw lang matapos niyang sabihin ito ay bumanat na naman siya ng maanghang na salita laban sa Amerika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub