1 patay, 1 sugatan sa pag-bangga ng truck sa motorsiklo sa South Super Highway

By Jong Manlapaz, Kabie Aenlle November 05, 2016 - 04:58 AM

pasay patayPatay ang isang lalaking naka-angkas sa motorsiklo habang sugatan namang dinala sa ospital ang driver nito sa isang aksidente sa South Super Highway, kanto ng Arnaiz sa Makati City.

Naganap ang aksidente alas-11:50 kagabi, nang masalpok ng 13-wheeler trailer truck ang sinasakayang motorsiklo ng mga biktima.

Kinilala ang nasawi na si Arnold dela Torre, habang sugatan naman ang driver ng motorsiklo na si Ferdinand Butyao.

Agad na nasawi si Dela Torre dahil natanggal ang helmet nito nang mangyari aksidente, kaya siya ang mas napuruhan.

Ayon sa mga rumespondeng otoridad, hindi naman lasing ang driver ng motorsiklo, ngunit base sa salaysay ng mga nakasaksi, dumiretso pa rin ito kahit naka-stop ang traffic light sa lugar.

Dahil dito, nabangga ng trailer truck ang motorsiklo.

Pinaalalahanan naman ng mga otoridad ang mga motorista na sumunod sa mga batas trapiko, lalo’t marami na ring naitatalang aksidente sa nasabing lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.