EO sa nationwide firecracker ban, binubusisi pa ng pamahalaan

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Isaisailalim pa sa mabusising pagre-rebisa ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan ang executive order na magpapatupad ng nationwide firecracker ban.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sisilipin pa ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan ang panukala na i-regulate ang mga paputok upang matiyak na hindi ito magiging dahilan ng malawakang pagkawala ng trabaho at kabuhayan ng ilang naghahanap buhay.

Ani pa Andanar, isa rin sa ikinukunsidera ay ang hindi mawala ang tradisyon ng mga Filipino sa pagdiriwang ng Kapaskuhan o bagong taon kung saan karaniwang nagpapaputok at iba pang uri ng festivities.

“A revised EO on the firecracker ban will be submitted. The concerned agencies will look into the proposal to regulate pyrotechnics to mitigate the possible loss of jobs and at the same time enable traditional celebration of festivities,” pahayag ni Andanar sa isang text message sa mga reporters.

Matatandaang kasama sa agenda noong isang araw ng Cabinet meeting ang nationwide firecracker ban na gustong ipatupad ni Pangulong Duterte sa buong bansa tulad ng sa Davao City at sa iba pang lugar sa bansa.

Read more...