Bayan ng Medellin sa Cebu, binaha; mga estudyanteng na-stranded ni-rescue gamit ang trak

CDN Photo
CDN Photo

Dahil sa malakas na pag-ulan, binaha ang bayan ng Medellin sa Cebu.

Umabot sa hanggang baywang ang tubig baha sa nasabing bayan na nagresulta sa pag-aanunsyo ng suspensyon ng klase ng lokal na pamahlaaan.

Pero dahil nasa eskwelahan na ang mga estudyante, marami sa kanila ang na-stranded at kinailangang i-rescue gamit ang dump truck.

Ayon kay Andreza Orique mula sa municipal disaster office, umabot sa baywang ang tubig baha sa Barangay Caputatan Norte dahil sa pag-ulan na nararanasan simula pa kagabi.

Ang ilang estudyante, na-stranded at hindi nakatawid sa tulay sa Sitio Martinez dahil nalubog na ito sa tubig.

Gumamit na lamang ng mga dump truck para maisakay ang mga stranded na estudyante.

Maging sa Sitio Bangon sa Poblacion sa nasabi ring bayan, kinailangan ding i-rescue ang mga estudyante na hindi makatawid sa tubig baha.

 

Read more...