Senator JV Ejercito, tatalima sa tatlong buwang suspensyon na ipinataw sa kaniya ng korte

By Dona Dominguez-Cargullo November 04, 2016 - 04:44 PM

jv-ejercitoHanda na si Senator JV Ejercito na tumugon sa tatlong buwan o siyamnapung araw na suspensyon na ipinataw sa kaniya ng Sandiganbayan.

Ito ay matapos na pagtibayin ng Korte Suprema ang naging pasya ng anti-graft court hinggil sa kasong graft na kinakaharap ni Ejercito at iba pang dati at kasalukuyang mga opisyal ng San City government.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni Ejercito na simula sa susunod na linggo, sisilbihan niya ang 90-day suspension.

Nais umano niyang iiwas ang senado sa kontrobersiyang kaniyang kinakaharap.

Nakatakda munang magbigay ng privilege speech si Ejercito sa Lunes kung saan inaasahang ihahayag nito ang pagtugon sa suspensyon.

Nanindigan naman si Ejercito na malinis ang kaniyang kunsensya nang aprubahan ang pagbili ng mga armas para sa San Juan City police noong taong 2008.

Ani Ejercito ang nasabing mga armas ay nagagamit pa hanggang sa ngayon ng mga otoridad sa San Juan.

 

TAGS: JV Ejercito, Supreme Court, suspension, JV Ejercito, Supreme Court, suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.