90 days na suspensyon kay Senator JV Ejercito, pinagtibay ng Korte Suprema
Pinagtibay ng Korte Suprema ang suspensyon na ipinataw ng Sandiganbayan 5th division kay Senador JV Ejercito at dalawang opisyal ng lungsod ng San Juan.
Ang kaso ay may kinalaman sa kasong misuse of calamity funds ng San Juan noong mayor pa ng lungsod si Ejercito.
Sa resolusyon na inilabas ng SC 1st Division, dinimiss nito ang petisyon ng kampo ng senador at pinagtibay ang nauna nang kautusan ng Sandiganbayan.
Ayon pa sa desisyon, nabigo ang kampo ng senador na patunayan ang sinasabi nitong nagkaroon ng grave abuse sa panig ng anti-graft court nang suspendihin siya ng 90 araw.
Kasama sa kautusan ng kataasang taasang hukuman ang mga nakaupong opisyal ng san juan na sina Ranulfo Docalos at Romualdo Delos Santos.
May kaugnayan ang kaso sa pagbili noon ng mga armas ng San Juan City government para sa San Juan police, gamit ang pondo para sa kamalidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.