Magnitude ng lindol na tumama sa Davao kagabi, ibinaba ng Phivolcs

Phivolcs Photo
Phivolcs Photo

Mula sa magnitude 5.3 na naunang iniulat kagabi, ibinaba ng Phivolcs sa magnitude 4.9 ang lindol na tumama sa sa Don Marcelino, Davao Occidental.

Sa updated information ng Phivolcs, nakasaad din na naitala ang intensity 2 sa General Santos City bunsod ng nasabing pagyanig.

Naganap ang lindol alas 11:21 ng gabi kagabi, araw ng Huwebes sa bahagi ng 63 kilometer South ng bayan ng Don Marcelino.

May lalim na 138 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Pasado alas 9:00 ng umaga ng Biyernes nang ilabas ng Phivolcs ang updated information nito hinggil sa naganap na pagyanig.

 

Read more...