Magkapatid, patay sa sunog sa Cebu City

CDN Photo
CDN Photo

(UPDATE) Patay ang dalawang tatlong taong gulang na kambal sa sunog na naganap sa kanilang tahanan sa Barangay Labangon, Cebu City.

Ang magkapatid na Myat ay nasawi matapos ma-suffocate habang sila ay natutulog nang sumiklab ang apoy alas 2:55 ng madaling araw sa dalawang palapag na bahay sa Acacia Place Subdivision.

Ayon kay SFO1 Rogelio Dabalos, ang kasambahay ng pamilya Myat ay natagpuan ng mga bumbero na walang malay sa loob ng CR habang ang wala nang buhay na magkapatid ay natagpuan sa kanilang kwarto.

Naisugod pa sa magkaibang ospital ang kambal pero kapwa nasawi, habang nakaligtas naman ang kasambahay.

Ayon sa pahayag ng mga kapitbahay, ang ina ng kambal ay nagawang makatalon sa terrace mula sa master’s bedroom.

Alas 4:04 ng umaga nang makontrol ng mga bumbero ang sunog.

Posible umanong sa air condition nagmula ang apoy dahil sa tuloy-tuloy na paggamit nito.

 

Read more...