Mga senador may kani-kaniyang mensahe para kay Sen. Manny Pacquiao sa laban nito sa Linggo

By Dona Dominguez-Cargullo November 04, 2016 - 08:23 AM

Kani-kaniyang mensahe ang mga kasamahang senador ni pambansang kamao at Senator Manny Pacquiao para sa kaniyang laban kay Jessie Vargas sa Linggo.

Si Senator JV Ejercito, hiniling na maging maganda ang resulta ng laban para kay Pacquiao, at bilang kaibigan, umaasa umano siyang ito na ang huling sabak sa boxing ring ng kapwa senador.

Kumpiyansa naman si Senator Tito Sotto na maipapanalo ni Pacquiao ang laban.

Hinggil naman sa isyu ng pagreretiro, sinabi ni Sotto na si Pacquiao lamang ang tanging makapagpapasya kung ito na magiging huling laban niya sa boksing.

Malaman naman ang mensahe ni Senator Panfilo Lacson.

Ani Lacson, hangad niya ang tagumpay ni Pacman kontra kay Vargas, pero umaasa siyang ikukunsidera na nito ang iwan ang boxing ring habang marami pa ang pumapalakpak o humahanga sa kaniya, kaysa naman iwan niya ang ring nang wala nang natitira pang audience na manonood sa kaniya.

 

 

TAGS: fellow senators sent good luck messages to Manny Pacquiao, fellow senators sent good luck messages to Manny Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.