Aabot sa P100M na halaga ng shabu, nasabat sa Maynila; 2 suspek arestado

By Jong Manlapaz November 04, 2016 - 06:42 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

(UPDATE) Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD) sa Binondo Maynila.

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Ang operasyon ay isinagawa sa bahagi ng Escolta Street, Binondo Maynila kung saan aabot sa 20-kilo ng shabu na nakasilid sa maleta ang nakumpiska sa mga suspek.

Arestado sa nasabing operasyon sina Rommel Rodriguez at Albert Gasingan.

Ayon kay police Chief Inspector Leandro Gutierrez, ikinasa nila ang buy-bust alas 4:00 ng madaling araw kanina (Biyernes, November 4) at isang asset nila ang nagpanggap na bibili ng halagang P300,000 na shabu mula sa dalawa.

Tinatayang aabot sa P100 million ang halaga ng mga nasabat na shabu sa dalawang suspek.

Samantala, ayon kay NCRPO Chief Supt. Oscar Albayalde, ang dalawang nadakip na suspek ay distributor ng isang Chinese National na bahagi ng big time na grupo sa Binondo.

Ani Albayalde, subject ngayon ng follow-up operation ang nasabing dayuhan na may alyas “Intsik” o “Chekwa”.

 

 

TAGS: 60 million peso worth of shabu seized in Manila, 60 million peso worth of shabu seized in Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.